Mga Sagot mula sa Isang Apostol
Ano ang Dapat Kong Gawin Kapag Pinanghihinaan Ako ng Loob?
Hango sa “Paghihintay sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2020, 115–117; at “An High Priest of Good Things to Come,” Ensign, Nob. 1999, 36–38.
Manalangin. Tandaan na ang mga panalangin ay naririnig at sinasagot, kahit natatagalan ito.
Kapit lang. Huwag sumuko. Patuloy na magsikap. Mahal ka ng Diyos, at darating ang mga pagpapala.
Sundin ang mga kautusan. Patuloy na gawin ang alam mong tama.
Magtiwala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos sa masasaya at malulungkot na sandali.