Pagtulong na Tulad ni Jesus
Ibinahagi ni Jesus ang Katotohanan
Isang araw, binisita ni Jesus ang bayan kung saan Siya lumaki. Nagsalita siya sa mga tao roon. Sinabi Niya sa kanila na Siya ang Tagapagligtas.
Hindi Siya pinaniwalaan ng mga tao. Nagalit sila. Pero alam ni Jesus na ang sinabi Niya ay totoo. Hindi Siya natakot. Ibinabahagi Niya palagi ang katotohanan.
Ngayon taon gumawa ako ng mithiing magpadala ng isang espirituwal na mensahe at awitin sa aking mga kaibigan at pinsan. Gumanda ang pakiramdam ko at ng iba dahil dito.
Ava H., edad 9, Utah, USA