2022
Pagtuturo Gamit ang Kaibigan
Pebrero 2022


Isinulat Mo

Pagtuturo Gamit ang Kaibigan

boy reading the Friend magazine to an old man

Isang araw dumating sa bahay ko ang mga senior missionary na sina Elder at Sister Haines. Kinailangan ni Elder Haines ang tulong ko. Kaya niyang basahin ang mga salitang German pero hindi niya nauunawaan ang kahulugan ng ilan sa mga ito. Nakakita siya ng kuwento sa Kleiner Liahona (Kaibigan) at binasa ito sa akin sa German. Isinalin ko iyon sa Ingles para malaman niya kung ano ang binabasa niya. Mahusay kaming magka-team!

Kahit hindi gayon ang palagay niya, mahusay magbasa ng German si Elder Haines. Minsan ko lang siya sinabihan na, “Hindi ko po maintindihan ang sinabi ninyo.” Matapos siyang tulungan ng aking ina sa pagbigkas niya ng wikang German, mas naunawaan ko siya.

Pakiramdam ko para akong totoong guro nang magsalin ako para kay Elder Haines. Sabi niya natitiyak niya na kaya na niyang basbasan ang sakramento sa wikang German dahil sa tulong ko. Bumuti at gumanda ang pakiramdam ko na nakakatulong ako sa isang missionary.

Larawang-guhit ni Jim Madsen