Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Ilang beses kaming nag-ayuno at nanalangin ng pamilya ko para sa pinsan kong maysakit. Nag-alay din ako ng sarili kong mga panalangin para sa kanya. Alam ko na narinig ng Ama sa Langit ang aming mga dalangin.
Collin C., edad 9, Utah, USA
Alam ko na ang Aklat ni Mormon ay totoo dahil nangusap sa akin ang Espiritu Santo. Nasabik akong sabihin iyon sa nanay ko. Niyakap niya ako nang mahigpit, at masayang-masaya ako.
Matias M., edad 10, Cundinamarca, Colombia
Tinutulungan ako ng pamilya ko na matupad ang aking mga mithiin. Mahal ko ang pamilya ko!
Robin A., edad 6, North Carolina, USA
Nakita ko ang isang batang lalaki sa paaralan na nag-iisa. Inanyayahan ko siyang makipagkaibigan sa akin, at ngayon ay magkaibigan na kami!
William P., edad 7, Durham, England
Gumawa ako ng mga knitted bear at ipinamigay ang mga ito bilang pasasalamat sa mga nars na gumamot sa mga pasyenteng may COVID-19. Nagpapasalamat akong maglingkod sa aking komunidad.
Emi L., edad 11, New Mexico, USA
Sa panahon ng pandemya nagtuon ako sa kaya kong gawin sa halip na sa hindi ko kayang gawin. Nakatulong ito sa akin na mas mapalapit sa aking pamilya at kay Jesus.
James S., edad 9, Michigan, USA
Nabuklod ang pamilya ko sa templo noong anim na taong gulang ako. Masaya ako dahil alam ko na ang aking pamilya ay walang hanggan.
Yoleannys C., edad 7, Miranda, Venezuela
Rafael S., edad 9, Paraná, Brazil
Bradley at Evelyn S., edad 8 at 9, Iowa, USA
Elias M., edad 6, Aargau, Switzerland
Lucy E., edad 8, California, USA
Avery S., edad 10, Alberta, Canada