Mga Kard tungkol sa mga Bayani sa Banal na Kasulatan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ng teyp ang mga ito.
Noe
“Isang lalaking matuwid at walang kapintasan.”
-
Siya ay isang propeta noon. Sinabihan niya ang masasamang tao na magsisi.
-
Binalaan siya ng Diyos na magkakaroon ng baha.
-
Sinunod niya ang mga tagubilin ng Diyos na bumuo ng isang arka. Napanatili niyang ligtas ang kanyang pamilya. Nagligtas din sila ng maraming hayop!
Rebeca
“At sinabi niya, sasama ako.”
-
Tinulungan niya ang alipin ni Abraham sa pagbibigay ng tubig sa kanyang mga kamelyo.
-
Siya ay matapang. Nilisan niya ang kanyang tahanan para magpakasal sa anak ni Abraham na si Isaac.
-
Nagkaroon sila ng kambal na anak na lalaki na ang mga pangalan ay Jacob at Esau.