2022
Mga Mithiin para sa Binyag
Pebrero 2022


Isinulat Mo

Mga Mithiin para sa Binyag

girl watching conference and reading scriptures

Noong Nobyembre 2019, nakinig kami ng aking pamilya sa Face to Face event ni Elder Gong tungkol sa programang Mga Bata at Kabataan. Pagkatapos, binigyan kami ng bishop ko ng mga buklet para makatulong sa pagsisikap na makamit ang aming mga mithiin.

Ang unang mithiin ko ay tapusin ang pagbabasa ng Aklat ni Mormon bago ang ikawalong kaarawan ko upang maghanda para sa aking binyag. Sinimulan ko nang basahin ito pero hindi ako gaanong masigasig. Pero noong araw na iyon gumawa kami ng plano ng tatay ko. Inisip namin kung ilang kabanata ang kailangan kong basahin araw-araw para matapos ang Aklat ni Mormon bago ako mabinyagan. Nagsimula akong magbasa araw-araw at naglalagay ng marka kapag natapos kong basahin ang bawat bahagi.

Habang nagbabasa ako, ginusto kong gumawa ng mas marami pang mabubuting bagay. Kaya nakiisa ako sa pandaigdigang ayuno na ipinahayag ni Pangulong Nelson para tumulong sa pagkontrol sa COVID-19. Natuwa ako na kaya kong mag-ayuno nang lubusan. Hinikayat ako ng mga magulang ko na manalangin at mag-ayuno rin upang magkaroon ng sarili kong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at sa binyag.

Sa unang Linggo ng Mayo, nagdasal ako at nag-ayuno. Hindi nagtagal, natapos kong basahin ang buong Aklat ni Mormon. Nasabik ako sa aking binyag—sa kaarawan ko. Nadama ko na handa akong gawin ang tipang ito sa Diyos! Alam kong totoo ang Aklat ni Mormon. Gustung-gusto kong basahin ito, at masaya ako na nakamit ko ang mithiing ito sa tulong ng pamilya ko.

Larawang-guhit ni Rosalie Ledezma