Nagdarasal si Jade
Oras na para matulog!Lumuluhod si Jade para magdasal.
Sinisimulan ni Jade ang kanyang panalangin sa pagsasabi ng, “Mahal na Ama sa Langit.”
Pagkatapos ay sinasabi ni Jade sa Ama sa Langit kung ano ang pinasasalamatan niya.
Kasunod nito, hinihiling ni Jade sa Ama sa Langit na tulungan ang kanyang pamilya.
Tinatapos ni Jade ang kanyang panalangin sa pagsasabi ng, “Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”
Maganda ang pakiramdam ni Jade kapag nagdarasal siya.
Mapagpasalamat na Panalangin
Maraming bagay ang ipinagpapasalamat ni Jade. Ituro ang ilan sa mga bagay na nasa larawan na sa palagay mo ay ipinagpapasalamat ni Jade.
Mga larawang-guhit ni Rachel Hoffman-Bayles