Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Animanmula sa Ivory Coast
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, katulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Animan
Edad: 12
Wika: French
Mga mithiin at pangarap: 1) Matuto tungkol sa iba pang mga bansa at kultura. 2) Maglingkod sa full-time mission.
Pamilya: Itay, madrasta, at limang kapatid
Ang mga Matulunging Kamay ni Animan
Tumutulong si Animan sa pamamagitan ng pagpuno ng tubig sa sisidlan na ginagamit ng kanyang pamilya sa paghuhugas at paglalaba. Tinutulungan din niya ang kanyang pamilya sa kanilang tindahan. Nagwawalis siya, naglilinis, at pinupuno niya ang mga istante. Tapat siya sa mga kostumer.
Sinisikap palagi ni Animan na maging mabuting halimbawa. Kung minsan ay pinagtatawanan siya ng mga tao dahil hindi siya umiinom ng alak. Pero sinusuportahan siya ng iba kapag ipinagtatanggol niya ang tama. Sabi niya, sa paggawa ng tama, pakiramdam niya ay parang nanalo siya ng tropeo! Si Animan ay isang deacon. Gusto niyang nagpapasa ng sakramento dahil tinutulungan nito ang mga tao na alalahanin si Jesus.
Mga Paborito ni Animan
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang manalangin Siya sa Halamanan ng Getsemani
Awitin sa Primary: “Mga Bata sa Buong Daigdig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 4–5).
Pagkain: Foutou (dinurog na kamoteng kahoy at mga saging)
Subject sa paaralan: French