Hello mula sa Ivory Coast!
Samahan sina Margo at Paolo sa paglalakbay nila sa mundo para alamin ang tungkol sa mga anak ng Diyos.
Ang Ivory Coast, o Côte d’Ivoire, ay isang bansa sa kanlurang Africa.
52,000 Miyembro ng Simbahan at Patuloy pang Dumarami
Binisita ni Elder D. Todd Christofferson ang mga miyembro doon noong 2019.
Bonjour!
Ang opisyal na wika ay French. Mga 70 iba pang wika ang sinasalita rito.
Oras ng Hapunan
Ang isang popular na putahe ay ang yassa. Gawa ito sa manok o isda na may kasamang mga sibuyas, lemon, mustard, at siling maanghang.
Sining at Musika
Ang mga tao sa Ivory Coast ay maraming estilo ng sining at musika. Ano ang gusto mong likhain?
Itinatayo na ang Templo
Isang templo ang itinatayo sa Abidjan, ang pinakamalaking lungsod sa Ivory Coast. Tumulong ang mga batang ito sa groundbreaking para sa bagong templo.