2023
Mga Kababaihang May Pananampalataya
Setyembre 2023


“Mga Kababaihang May Pananampalataya,” Kaibigan, Setyembre 2023, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Kababaihang May Pananampalataya

Hango sa “Teachings of Women [Mga Turo ng Kababaihan],” Church News, Set. 15, 2022 (video).

Ang pinakamahahalagang guro sa buhay ko ay mga babae. Noong bata pa ako, pumanaw ang tatay ko, at nagkasakit nang malubha ang nanay ko habang nag-aaral siya sa unibersidad. Parang isa pang ina ang lola ko sa akin, kahit nang bumuti na ang lagay ng nanay ko. Kapwa nila ako tinuruan tungkol sa ebanghelyo, paglilingkod, at mga responsibilidad sa pamilya. Halos lahat ng pananampalataya ko sa Panginoon ay nagmula sa kanila.

Ang asawa kong si June ay isa ring kahanga-hangang kabiyak at guro para sa akin. Nang pumanaw si June, pinakasalan ko ang asawa kong si Kristin. Malaki ang naging impluwensya niya sa buhay ko.

Lagi kong pasasalamatan ang matatapat na halimbawa at turo ng kababaihang ito.

Lahat ay Kailangan

alt text

Paano ka maaaring magpakita ng paggalang sa mga batang babae at kababaihan at sa mga batang lalaki at kalalakihan?