2023
Pagsunod kay Jesus sa USA
Setyembre 2023


“Pagsunod kay Jesus sa USA,” Kaibigan, Setyembre 2023, 16–17.

Pagsunod kay Jesus sa USA

Kilalanin si Laksmi!

Tungkol kay Laksmi

Larawan
Alt text
Larawan
Alt text

Edad: 9

Mula sa: Isinilang sa Cambodia, lumipat sa Hawaii, at nakatira na ngayon sa Utah, USA

Mga Wika: Khmer, English

Mga mithiin at pangarap: 1) Maging isang pulis. 2) Maging isang alagad ng sining. 3) Magmay-ari ng isang spa.

Pamilya: Laksmi, Inay, Itay, at bunsong kapatid na babae

Paano Sinusunod ni Laksmi si Jesus

Larawan
Alt text

Si Laksmi at ang kanyang pamilya ay lumipat sa USA mula sa Cambodia. Sinusunod ni Laksmi si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabaitan sa kanyang pamilya. Isa sa mga paborito niyang bagay ay tumulong sa pag-aalaga sa kanyang bunsong kapatid na si Rhianna. Nakikipaglaro si Laksmi sa kanya. Magkasama silang kumakain ng ice cream. At kung minsan pa nga ay si Laksmi ang nagpapalit ng lampin nito. “Tinutulungan ko siya dahil mahal ko siya,” sabi ni Laksmi. “Sinabi ni Jesus na dapat nating mahalin ang isa’t isa.”

Mga Paborito ni Laksmi

Larawan
Alt text

Kuwento sa banal na kasulatan: Pamilya ni Lehi na sumusunod sa Liahona

Lugar: Ang bakuran ng Laie Hawaii Temple

Prutas at gulay: Mga strawberry at broccoli

Mga kulay: Lahat ng kulay sa bahaghari

Subject sa paaralan: Math

Larawan
alt text here

Mga larawang-guhit ni Tania Rex

Print