“Ano ang Patotoo,” Kaibigan, Setyembre 2023, 22.
Mga Sagot mula sa Isang Apostol
Ano ang Patotoo?
Hango sa “Pangalagaan at Ibahagi ang Inyong Patotoo,” Liahona, Nob. 2022, 111–114.
Ang patotoo ay isang paniniwala o kaalaman tungkol sa katotohanan.
Ang patotoo ay nagmumula sa Espiritu Santo. Tahimik Niyang masasabi sa iyo kung ano ang totoo.
Maaaring isama sa iyong patotoo ang pagkaalam na ang Diyos ang ating Ama sa Langit at si Jesucristo ang ating Tagapagligtas.
Isang bagay ito na maibabahagi mo anumang oras.