2023
Ang Aral ng Lapis
Setyembre 2023


“Ang Aral ng Lapis,” Kaibigan, Setyembre 2023, 32.

Kaibigan sa Kaibigan

Ang Aral ng Lapis

Mula sa isang interbyu ni Lori Fuller Sosa.

Alt text

Binisita ko minsan ang ilang batang Primary sa Jamaica. Pinagdrowing ko sila ng isang bagay na magagawa nila sa linggong iyon para ipakita sa Ama sa Langit na mahal nila Siya. Dalawang batang babae ang nakaupo nang malapit sa isa’t isa.

Napakaikli na ng lapis ng batang nakababata at wala iyong pambura. Nahirapan itong idrowing ang sarili niya. Napansin ng batang nakatatanda na kailangan ng tulong ng batang nakababata. Iniabot niya ang sarili niyang lapis dito. Ngumiti ang batang nakababata, kinuha ang lapis, at nagsimulang magdrowing.

Minasdan ko ang batang nakatatanda na matiyagang naghintay hanggang sa matapos ng batang nakababata ang drowing nito. Pagkatapos ay ibinalik ng batang nakababata ang lapis. Naghalinhinan sila sa paggamit ng lapis nang walang imikan. Handang tumulong ang batang nakatatanda, at malaki ang pasasalamat at tinanggap ng batang nakababata ang tulong na iyon. Alam nila na makakaasa sila sa isa’t isa.

Nang matapos ng lahat ang drowing nila, sinabi ko sa batang nakatatanda na nakita ko siyang ipinahiram ang lapis niya. Itinanong ko, “Bakit mo ginawa iyon?”

Sabi niya, “Nakita ko lang po na kailangan niya ng tulong.”

Pagkatapos ay tinanong ko ang batang nakababata, “Ano ang pakiramdam mo nang tulungan ka niya?”

Sabi niya, “Ang laki po ng pasasalamat ko!” Ang bait-bait niya po.

Kung minsan ay maaaring iniisip natin kung paano tutuparin ang ating mga tipan. Maaaring isipin natin na ito ay isang malaki at kumplikadong bagay. Pero hindi naman! Minasdan ko ang isang bata na turuan ako kung paano tutuparin ang mga tipan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga iba pang nangangailangan.

Pinatototohanan ko na habang ginagawa ninyo ang mga simpleng bagay na iyon para tulungan at paglingkuran ang iba, tinutupad ninyo ang inyong mga tipan. At kapag tinutupad natin ang ating mga tipan, madarama natin ang kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay.

Alt text
alt text here

Larawang-guhit ni Marina Pessarrodona