2023
Ang Pinakamagandang Regalo
Setyembre 2023


“Ang Pinakamagandang Regalo,” Kaibigan, Setyembre 2023, 28–29.

Ang Pinakamagandang Regalo

Ano kaya ang pinakagusto ni Itay para sa kanyang kaarawan?

Ang kuwentong ito ay naganap sa USA.

Tuwang-tuwa si Josiah. Ngayon ang kaarawan ni Itay! Naglagay ng makukulay na banderitas si Mama sa kusina. Gumawa rin siya ng espesyal na cake.

“Dapat natin siyang regaluhan,” sabi ni Josiah.

“Tama!” sabi ng kanyang bunsong kapatid na si Madeline. “Pero ano?”

“May naisip ako.” Nagpunta si Josiah sa kubol. Kumuha siya ng ilang piraso ng kahoy at pinagdikit-dikit ang mga iyon para bumuo ng maliit na bangko.

“Pumitas ako ng ilang bulaklak para kay Itay mula sa kanyang hardin!” Itinaas ni Madeline ang mga bulaklak. “Palagay mo ba magugustuhan niya ang mga ito?”

Tumango si Josiah. “Sabik na akong makita niya ang kanyang mga regalo!”

Alt text
Alt text

Nang hapong iyon, kumanta sina Josiah at Madeline ng “Happy Birthday” at kumain ng cake kasama si Itay.

“Oras na para sa mga regalo!” sabi ni Josiah. Ibinigay niya kay Itay ang regalo niya.

Inalis ni Itay ang balot ng regalo. “Wow! Ang ganda ng gawa mo. Salamat!” Niyakap nang mahigpit ni Itay si Josiah.

Pagkatapos ay ibinigay ni Madeline kay Itay ang mga bulaklak.

“Maraming salamat!” Ngumiti si Itay. “Ang ganda ng mga ito.”

Alt text

Hindi nagtagal at oras na para magligpit. “Josiah, puwede ka bang tumulong na linisin ang mesa?” tanong ni Mama.

“Sige po” sabi ni Josiah. Ngumiti siya at dinala ang mga plato sa lababo.

“Puwede rin po akong tumulong,” sabi ni Madeline.

Alt text

Ang laki ng ngiti ni Itay. “Masayang-masaya ako kapag tumutulong kayong dalawa at mabait kayo sa isa’t isa. Alam ko na nagpapasaya rin iyan kay Jesus. Iyan ang pinakamagandang regalo sa lahat!”

Kalaunan ay naglaro sina Josiah at Madeline ng kanilang mga laruan. Gumawa ng mataas na tore si Josiah mula sa building blocks. Halos kasintaas niya iyon! Kaya lang natabig iyon ni Madeline.

“Ay!” sabi ni Josiah. “Sinira mo ang tore ko!” Kumuha siya ng isang laruan ni Madeline.

“Akin ’yan!” sigaw ni Madeline.

Lumapit si Itay. Nakasimangot siya. Pinaalalahanan niya sila na maghalinhinan sa mga laruan nila.

Nang umalis si Itay, itinanong ni Josiah, “Nakita mo ba ang mukha ni Itay? Mukhang malungkot siya.”

“Bakit siya malungkot?” tanong ni Madeline.

“Sabi niya kasi, ang pinakamagandang regalo ay ang maging mabait tayo,” sabi ni Josiah. “Pero nakalimutan natin.”

“Ah.” Tumingin si Madeline sa sahig. “Sorry at natabig ko ang tore mo.”

“OK lang,” sabi ni Josiah. “Sorry din kasi nagalit ako. Magpakabait na tayo sa buong maghapon.”

“Pero paano kung malimutan natin?” tanong ni Madeline.

“Kung gayo’y kailangan nating mag-sorry at subukang magpakabait ulit,” sabi ni Josiah.

Iniligpit nina Josiah at Madeline ang blocks. Pagkatapos ay naglaro sila ng iba. Nang dumaan si Itay, ngumiti ito.

“Palagay ko napasaya na natin siya!” bulong ni Madeline kay Josiah. “Binigyan natin si Itay ng napakagandang regalo!”

Ngumiti si Josiah. “Oo nga. At regalo rin iyon para kay Jesus!”

Alt text
alt text here

Mga larawang-guhit ni Jeff Harvey