2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Setyembre 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Setyembre 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

alt text

Para sa 1 Corinto 8–13

Ituro ang ilang bahagi ng katawan at itanong sa inyong mga musmos kung bakit mahalaga ang bawat bahagi. Ipaliwanag na lahat ng bahagi ay nagtutulungan para magawa natin ang mga bagay-bagay. Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak. Nais Niyang magtulungan tayo sa pagtulong at paglilingkod sa iba.

Para sa 1 Corinto 14–16

Magdrowing ng bahay sa isang piraso ng papel. Itanong sa inyong mga musmos kung anong mga bagay ang kasama sa bahay. Idrowing ang mga iyon. Kumpleto na ba ang bahay? Hindi! Kailangan nito ng mga tao sa loob. Ipaliwanag na nais ng Diyos na makapiling natin Siyang muli sa Kanyang tahanan sa langit.

Para sa 2 Corinto 1–7

Yakapin nang mahigpit ang bawat isa sa inyong mga musmos. Tulungan silang maghanap ng mga salita para sabihin sa inyo kung ano ang pakiramdam ng mabalot sa matagal at magiliw na yakap. Ituro sa kanila na mahal tayo ng Diyos at nais Niyang ipakita sa atin kung gaano Niya tayo kamahal.

Para sa 2 Corinto 8–13

Awitin ang “Panalangin ng Isang Bata” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 6–7) na kasama ang inyong mga musmos. Ipaliwanag na laging dinirinig ng Ama sa Langit ang ating mga dalangin. Ikuwento sa kanila kung kailan sinagot ng Ama sa Langit ang panalangin sa iyong buhay.

Para sa Galacia

Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Gusto ni Jesus na tulungan ko ang mga nangangailangan.” Sabihin sa kanila na ang mga taong nangangailangan ay maaaring ang mga maysakit, nasaktan, o nalulumbay. Isipin kung ano ang magagawa ninyo bilang pamilya para tulungan ang iba.