2023
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Setyembre 2023


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Setyembre 2023, 6–7.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Igalaw-galaw ang Iyong Katawan

Larawan
5 spots: 1. A dance party with a boy and a girl dancing. They are between the ages of 5-10. 2. A child-like drawing of a family standing with the Savior, Jesus Christ, in the middle of them. There are a couple of colored pencils next to it. 3. A basket with folded up pieces of paper in it and a couple pieces next to it. 4. A sidewalk chalk drawing of the sun with small river rocks placed over part of it. 5. A piece of writing paper shaped like a pineapple.

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Para sa 1 Corinto 8–13

Kuwento: Magkakaiba tayong lahat, at mahal ng Diyos ang bawat isa sa atin. Lahat tayo ay kailangan ng Simbahan, gaya lang ng pangangailangan natin sa bawat bahagi ng ating katawan (tingnan sa 1 Corinto 12:12–18).

Awit: “Ako ay may Dalawang Munting Kamay” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 126)

Aktibidad: Magdaos ng sayawan ng pamilya! Magpatugtog ng ilang masayang musika at isabay ang galaw ng iyong katawan sa mga tugtugin. Paano nagtutulungan ang mga bahagi ng iyong katawan? Paano mo magagamit ang iyong katawan para tulungan ang iba?

Mabubuhay Tayong Muli

Larawan
5 spots: 1. A dance party with a boy and a girl dancing. They are between the ages of 5-10. 2. A child-like drawing of a family standing with the Savior, Jesus Christ, in the middle of them. There are a couple of colored pencils next to it. 3. A basket with folded up pieces of paper in it and a couple pieces next to it. 4. A sidewalk chalk drawing of the sun with small river rocks placed over part of it. 5. A piece of writing paper shaped like a pineapple.

Para sa 1 Corinto 14–16

Kuwento: Si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli. Dahil Siya ay bumangon mula sa mga patay, lahat tayo ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay (tingnan sa 1 Corinto 15:20–22).

Awit: “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78)

Aktibidad: Basahin ang kuwento tungkol kay Jesus sa pahina 24. Pagkatapos ay idrowing ang sarili mo na kasama ang pamilya mo at si Jesus.

Nagniningning na Liwanag

Larawan
5 spots: 1. A dance party with a boy and a girl dancing. They are between the ages of 5-10. 2. A child-like drawing of a family standing with the Savior, Jesus Christ, in the middle of them. There are a couple of colored pencils next to it. 3. A basket with folded up pieces of paper in it and a couple pieces next to it. 4. A sidewalk chalk drawing of the sun with small river rocks placed over part of it. 5. A piece of writing paper shaped like a pineapple.

Para sa 2 Corinto 1–7

Kuwento: Tinutulungan tayo ni Jesucristo na magsisi at mapatawad. Dahil sa Kanya, makakapiling nating muli ang Ama sa Langit balang araw (tingnan sa 2 Corinto 5:17–18).

Awit: “Isang Sinag ng Araw” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 38)

Aktibidad: Magdrowing ng isang araw sa papel o sa bangketa sa labas gamit ang tisa. Lagyan ng “mga ulap” (tulad ng mga bato o cotton balls) ang iyong araw. Pag-usapan ang isang pagkakataon na nagsisi ka at gumanda ang pakiramdam mo. Pagkatapos ay isa-isang alisin ang mga ulap hanggang sa magningning ang iyong araw!

Isang Masayang Katulong

Larawan
5 spots: 1. A dance party with a boy and a girl dancing. They are between the ages of 5-10. 2. A child-like drawing of a family standing with the Savior, Jesus Christ, in the middle of them. There are a couple of colored pencils next to it. 3. A basket with folded up pieces of paper in it and a couple pieces next to it. 4. A sidewalk chalk drawing of the sun with small river rocks placed over part of it. 5. A piece of writing paper shaped like a pineapple.

Para sa 2 Corinto 8–13

Kuwento: Itinuro ni Pablo na maaari nating tulungan ang ating kapwa (tingnan sa 2 Corinto 9:6–7). Habang masaya tayong naglilingkod, maaari nating ipadama sa iba ang pagmamahal ng Diyos!

Awit: “Kung Tayo’y Tumutulong,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 108)

Aktibidad: Sa mga piraso ng papel, isulat ang pangalan ng mga taong maaaring mangailangan ng tulong mo. Pagkatapos ay isulat kung paano mo matutulungan ang taong iyon. Ilagay ang mga papel sa isang sumbrero o basket at alugin ang mga iyon. Pumili ng isa at gawin ang nakasaad dito!

Mga Bunga ng Espiritu

Larawan
5 spots: 1. A dance party with a boy and a girl dancing. They are between the ages of 5-10. 2. A child-like drawing of a family standing with the Savior, Jesus Christ, in the middle of them. There are a couple of colored pencils next to it. 3. A basket with folded up pieces of paper in it and a couple pieces next to it. 4. A sidewalk chalk drawing of the sun with small river rocks placed over part of it. 5. A piece of writing paper shaped like a pineapple.

Para sa Galacia

Kuwento: Kapag sumusunod tayo sa mga kautusan at nakikinig sa Espiritu Santo, tumatanggap tayo ng mga pagpapala sa ating buhay. Tinawag ni Pablo ang mga pagpapalang ito na “bunga ng Espiritu” (Galacia 5:22–23).

Awit: “Ang Marahan at Banayad na Tinig” (Liahona, Abril 2006, K13)

Aktibidad: Pumunta sa pahina 8 at gawin ang aktibidad para malaman ang iba pa tungkol sa mga bunga ng Espiritu. Anong iba pang mga pagpapala ang ibinibigay sa iyo ng Espiritu Santo?

Print