2023
Si Jesus ay Nabuhay na Mag-uli
Setyembre 2023


“Si Jesus ay Nabuhay na Mag-uli,” Kaibigan, Setyembre 2023, 24–25.

Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Si Jesus ay Nabuhay na Mag-uli

Tanggalin ang pahinang ito at tupiin sa gitna. Pagkatapos ay itaas ang larawan habang nagkukuwento ka.

Larawan
alt text here

Sa ikatlong araw matapos mamatay si Jesucristo, nagtungo si Maria Magdalena sa Kanyang libingan. Iginulong palayo ang takip na bato. Wala na siya!

Nagsimulang umiyak si Maria. Akala niya may kumuha sa Kanyang bangkay. Pagkatapos ay may narinig siyang tinig sa kanyang likuran. Sabi ng isang lalaki, “Babae, bakit ka umiiyak?”

Inakala ni Maria na hardinero ang lalaki. Itinanong niya kung nasaan ang bangkay ni Jesus.

“Maria,” sagot ng tinig. Sa pagkakataong ito ay nakilala ni Maria ang lalaki. Hindi iyon ang hardinero. Si Jesus iyon! Siya ay nabuhay na mag-uli. Sinabi Niya kay Maria na sabihin sa iba pang mga disipulo na Siya ay muling nabuhay.

Buhay si Jesucristo ngayon. Dahil sa Kanya, tayo ring lahat ay mabubuhay na mag-uli.

Print