“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Setyembre 2023, 26–27.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
“Seeds of Faith,” Kaleb C., edad 11, Utah, USA
Koharu M., edad 8, Aichi, Japan
“Trust in Me,” Emma N., edad 7, Wisconsin, USA
Nika T., edad 9, Texas, USA
“Nephi,” Archie W., edad 9, Central Region, Portugal
“Jesus,” Aaron F., edad 9, Maryland, USA
Ang pamilya ko ay nabuklod sa templo. Lahat kami ay nakasuot ng puting damit. Bawat sandali sa templo ay espesyal. Masaya kaming maging walang-hanggang pamilya.
Johnny T., edad 10, Tahiti, French Polynesia
Mahiyain ako sa mga taong bago ko lang nakilala. Alam kong magkakaroon ng isang bagong babae sa isang aktibidad ng Primary. Binati ko siya, at nag-usap kami sandali. Isinama rin siya ng iba pang mga batang babae. Ang saya-saya namin! Ipinagmalaki kami ng mga lider namin sa masayang pagtanggap namin sa kanya, at gumanda ang pakiramdam ko.
Taylor W., edad 10, Alberta, Canada
Dumalo ako sa open house ng Washington D.C. Temple. Napakaganda ng templo! Humingi ako ng recommend sa bishop ko para makadalo ako sa muling paglalaan. Napaka-espesyal at banal niyon.
Soren B., edad 11, Maryland, USA
Tinulungan ko ang kaibigan kong naka-wheelchair na makalibot sa bakuran ng paaralan. Pakiramdam ko tumulong ako na tulad ng gagawin ni Jesus dahil palagi Siyang naglingkod sa iba.
Paula L., edad 8, Chihuahua, Mexico
Nalimutan kong mag-aral para sa isang pagsusulit sa relihiyon sa paaralan. Kinabahan ako at nadama ko na dapat akong magdasal. Nang mabasa ko ang una at pangalawang tanong, tungkol iyon sa isang paksang natutuhan ko sa Primary! Alam ko na sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga dalangin at pinakikinggan tayo.
Mateo Q., edad 10, Cusco, Peru
Maraming inoperahan sa akin dahil isinilang akong may hemifacial microsomia. Ang ibig sabihin nito ay mas maliit ang isang panig ng mukha ko kaysa sa kabila. Natutuhan ko mula sa aking mga hamon na lagi akong tutulungan ng Ama sa Langit.
Naiah R., edad 12, Nebraska, USA