2023
Pagsisikap na Makatulong
Setyembre 2023


“Pagsisikap na Makatulong,” Kaibigan, Setyembre 2023, 30–31.

Isinulat Mo

Pagsisikap na Makatulong

alt text here
alt text here

Hi! Kami sina Kynzley at Jayme. Gumawa kami ng isang proyektong paglilingkod para matulungan ang isang pamilya sa ward namin. Nag-alaga kami ng isang tupa at isang baboy at pagkatapos ay ibinenta namin ang mga iyon sa aming county fair.

Maysakit talaga ang tatay ng mga kaibigan namin. Maraming beses na siyang nagpatingin sa doktor. Matagal nang hindi nakakasimba ang pamilya nila. Miss na namin ang mga kaibigan namin sa Primary. Gusto naming makatulong!

Nagdesisyon kaming ibigay sa pamilya ang perang kinita namin sa pagbebenta ng mga hayop namin sa county fair. Makakatulong sa kanila ang pera para mabayaran ang mga medical bill.

Siyam na buwan naming tinrabaho ang proyekto namin. Ipinagdasal at ipinag-ayuno namin na makapili kami ng magagandang hayop na aalagaan. Habang pinalalaki namin ang aming tupa at baboy, nag-ukol kami ng maraming oras sa pagpaplano para sa county fair. Nanahi kami ng mga kamiseta, naglakad sa mga parada, humingi ng mga donasyon, at tumulong na maorganisa ang pagbebenta.

Sa araw ng fair, malulusog at malalakas ang mga hayop namin. Maganda ang ginawa namin sa pagpapakita sa kanila ng livestock show. Masaya kami na maibibigay namin sa pamilya ang perang kinita namin. Tinapos namin ang aming proyekto sa isang pag-aayuno para sa kanila.

Ang paggawa ng proyektong ito ay nakatulong sa amin na mas mapalapit sa Ama sa Langit. Natuto kaming higit na magtiwala sa Kanya. Ginawa namin ang lahat at hinayaan namin Siyang tulungan kami habang nakikinig kami sa Espiritu Santo. Nahirapan kami nang hindi ginawa ng aming mga hayop ang gusto namin. Pero naalala namin kung bakit namin sila inalagaan. Ginawa namin ang lahat para kumita ng malaking pera hangga’t maaari. Umasa kami sa Panginoon at nagsikap lang nang husto.

Alam namin na nagmamalasakit ang Ama sa Langit sa ating lahat at nais Niya tayong tulungan. Natutuwa kami na matutulungan din namin ang iba!

alt text here

Larawang-guhit ni Kiersten Eagan