2023
Hello mula sa USA
Setyembre 2023


“Hello mula sa USA!” Kaibigan, Setyembre 2023, 18–19.

Hello mula sa USA!

Si Laksmi ay nanirahan sa Hawaii at naninirahan na ngayon sa Utah. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa dalawang estadong iyon.

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Audrey Day

Ang Estados Unidos ng Amerika ay isang bansang nasa Hilagang Amerika. Mga 300 milyong tao ang naninirahan doon.

Mga Pambansang Parke

Larawan
Alt text

Ang USA ay may 63 pambansang parke. Ang Arches National Park ay nasa mga disyerto ng Utah at may 2,000 arkong sandstone. Ang Haleakalā National Park ay nasa Hawaii at may isang bulkan.

Mga Pioneer mula sa Buong Mundo

Larawan
Alt text

Ang USA ay may mga pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Noong 1800s, karamihan sa mga pioneer na Banal sa mga Huling Araw na naglakbay patungong Utah ay nagmula sa ibang mga bansa.

Dalawang Magagandang Templo

Larawan
Alt text

Ang Salt Lake Temple ang unang templong sinimulang itayo ng mga pioneer sa Utah. Inabot iyon ng 40 taon bago natapos!

Ang Laie Hawaii Temple ang unang templong itinayo sa labas ng Utah matapos magpakanluran ang mga Banal.

Isang Kamangha-manghang Bunga

Larawan
Alt text

Mga 10 porsiyento ng pinya sa mundo ang nagmumula sa Hawaii. Ang mga pinya ay kumakatawan sa malugod na pagsalubong at pagtanggap.

Isang Palakaibigang Estado

Larawan
Alt text

Ang Hawaii ay tinatawag na Aloha State. Iyan ay dahil ang kahulugan ng salitang aloha ay “hello.” Kilala ang mga Hawaiiano sa pagiging palakaibigan.

Print