“Ang Himala kay Tabita,” Kaibigan, Setyembre 2023, 46–47.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Himala kay Tabita
Si Tabita ay isang alagad ni Jesucristo. Nanahi siya ng mga damit at pangginaw at gumawa ng maraming mabuting bagay para sa iba.
Pero nagkasakit si Tabita at namatay. Maraming tao ang nalungkot.
Pinuntahan ng propetang si Pedro si Tabita. Binuhay niya ito mula sa mga patay gamit ang kapangyarihang ibinigay sa kanya ni Jesucristo.
Nabuhay na muli si Tabita! Nakapanahi at nakapaglingkod na rin siyang muli. Isang himala iyon.