2023
Bakit Ako Nababalisa?
Setyembre 2023


“Bakit Ako Nababalisa?” Kaibigan, Setyembre 2023, 38.

Bakit Ako Nababalisa?

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Toby Newsome

Ang isang bahagi ng utak mo ay tinatawag na amygdala. Trabaho nitong protektahan ka. Pero kung minsa’y sobrang magtrabaho ito. Masasabi nito sa utak mo na may panganib, kahit na ligtas ka. Iyan ang nagpapabalisa sa iyo. Kapag ganito ang pakiramdam mo, maaari mong pag-aralang tulungan ang utak mo na magpokus at kumalma. Subukan ang mga hakbang sa ibaba.

Magbilang para Kumalma

Larawan
Alt text
  • Huminga nang 5 beses nang mabagal.

  • Dahan-dahang magbilang hanggang 4 tuwing magbubuga ka ng hangin.

  • Bumanggit ng 3 bagay na maaari mong marinig, mahawakan, at makita.

  • Bumanggit ng 2 nadarama mo.

  • Makipag-usap sa 1 adult tungkol sa iyong nadarama.

Print