Kaibigan
Paglilingkod sa mga Nangangailangan
Hunyo 2024


“Paglilingkod sa mga Nangangailangan,” Kaibigan, Hunyo 2024, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Paglilingkod sa mga Nangangailangan

Hango sa “Pagtulong sa mga Maralita at Naghihirap,” Liahona, Nob. 2022, 6–8.

Larawan
Lalaking nagtuturo sa mga bata sa ilalim ng puno

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay tapat na nangangakong maglilingkod sa mga nangangailangan. Nakikipagtulungan ito sa maraming tao para magawa ito. Lahat ng mga anak ng Diyos ay nagkakaroon ng inspirasyong paglingkuran ang isa’t isa sa abot ng kanilang makakaya.

Ang isang magandang halimbawa ng paglilingkod ay ang lalaking nagngangalang G. Gabriel. Nakita niya na maraming bata sa East Africa ang nangailangan ng tulong. Hiniling niya sa iba pang mga guro na tulungan siyang gawin ang tinatawag nilang “mga paaralan sa ilalim ng puno.” Dumating ang mga bata para mag-aral sa lilim ng isang puno. Hindi na hinintay ni G. Gabriel na kumilos ang iba. Ginawa niya ang makakaya niya para matulungan ang libu-libong mga bata na matuto.

Pinatototohanan ko si Jesucristo. Ginagabayan tayong lahat ng Kanyang liwanag at Espiritu sa pagtulong sa iba sa buong mundo.

Scavenger Hunt tungkol sa Paglilingkod

Makakagawa ka ng kaibhan tulad ni G. Gabriel! Gawin ang mga aktibidad sa ibaba na kaya mo: Magagawa mo bang lahat ang 10?

  • Maglinis para sa isang tao.

  • Bigyan ng homemade na regalo ang isang tao.

  • Mag-iwan ng maikling sulat ng kabaitan na matatagpuan ng isang tao.

  • Magkaroon ng bagong kaibigan.

  • Tawagan o bisitahin ang isang taong nalulungkot.

  • Bigyan ng maikling sulat ng pasasalamat ang isang tao.

  • Dumampot ng limang piraso ng basura.

  • Magtanong sa kapitbahay kung paano mo sila matutulungan. Pagkatapos ay gawin iyon!

  • Magbahagi ng isang bagay (tulad ng pagkain o laruan) sa isang tao.

  • Ngitian ang isang tao at batiin ito ng hello!

Larawan
Paikut-ikot na landas na may mga batang gumagawa ng kabaitan habang daan

Mga larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney

Print