“Pagtatanim ng mga Puno,” Kaibigan, Hunyo 2024, 42.
Isinulat Mo
Pagtatanim ng mga Puno
Talofa! Hello!
Kamakailan ay nakapaglingkod ang Primary namin sa komunidad para makatulong sa kapaligiran. Muntik na akong hindi nakapunta dahil malayo ang tirahan ko sa simbahan, pero ang laki ng pasasalamat ko na natulungan ako ng mga lider ng Primary na magkaroon ng masasakyan.
Pagdating namin sa pagdarausan ng proyekto, maputik, maginaw, at basa ito. Pero hindi iyon nakapigil sa amin! Bawat bata ay binigyan ng isang punong itatanim, at ipinakita sa amin ng mga lider ng Primary kung paano itanim ang mga iyon. Habang nagtatrabaho kami, nalaman namin kung bakit napakahalaga ng mga puno.
Nalaman ko na tumutulong ang mga puno na protektahan ang lupa. Binibigyan tayo nito ng mga prutas, gamot, at kahoy. Binibigyan din tayo nito ng oxygen na lalanghapin.
Ang mensahe ko sa lahat ay na dapat tayong magtanim ng mas marami pang puno! At humanap ng mga paraan para makatulong na maglingkod sa komunidad. Nagpapasalamat ako sa karanasang ito at sa lahat ng itinuro nito sa akin.