“5 Paraan para Patatagin ang Iyong Patotoo,” Kaibigan, Abril 2024, 38.
Kumuha ng 5
5 Paraan para Patatagin ang Iyong Patotoo
Kung nais mong palakasin ang iyong patotoo, magandang balita—nagsisimula ka na! Itinuro ni Alma na ang pagkakaroon ng hangaring maniwala ang unang hakbang (tingnan sa Alma 32:27). Kaya, magaling! Narito ngayon ang limang paraan na maaari mong patuloy na patatagin ang iyong patotoo.
-
Manalangin at magtanong. Nanalangin si Joseph Smith sa Ama sa Langit tungkol sa maraming tanong. Gayon din si Nephi. At kapwa sila nagkaroon ng malalakas na patotoo dahil dito! Ang pagtatanong sa panalangin ay makakatulong sa paglago ng iyong patotoo.
-
Ipamuhay ito. Sinabi ni Jesucristo na kapag pinili nating gawin ang kalooban ng Ama sa Langit, “[malalaman natin ang doktrina]” (tingnan sa Juan 7:17). Ang ibig sabihin niyan ay kung ipamumuhay natin ang ebanghelyo, malalaman natin na ito ay totoo!
-
Makinig sa Espiritu Santo. Bigyang-pansin ang mga iniisip at nadarama mo habang nagbabasa ka ng mga banal na kasulatan, kumakanta ng mga awitin sa Primary, at nakikinig sa simbahan. Mga mensahe iyon sa iyo ng Ama sa Langit, na ipinadala sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
-
Ibahagi ang pinaniniwalaan mo. “Natatamo o napalalakas natin ang patotoo kapag ibinabahagi ito,” sabi ni Pangulong Dallin H. Oaks. Kapag sinabi mo na totoo ang pinaniniwalaan mo, magpapatotoo sa iyo ang Espiritu Santo.
-
Tandaan. Maaari kang sumulat sa isang notebook o irekord ang sarili mo na nagsasalita tungkol sa iyong mga espirituwal na karanasan. Ang paggunita sa mga alaalang ito ay magpapalakas sa iyong patotoo.