“Hello mula sa Belgium!” Kaibigan, Hunyo 2024, 8–9.
Hello mula sa Belgium!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Belgium ay isang bansa sa Europe. Mahigit 11 milyong tao ang naninirahan doon!
Mga Wika
Ang mga opisyal na wika ay Dutch, French, at German.
Bagong Templong Itatayo
Noong 2021, ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson na may itatayong templo sa Brussels, ang kabiserang lungsod ng Belgium. Habang hindi pa ito naitatayo, nagpupunta ang mga taga-Belgium sa Hague Netherlands Temple (makikita sa itaas).
Higanteng Hagdan
Ang lungsod ng Liège ay may malaking hagdan na tinatawag na “Montagne de Bueren.” Ito ay may 374 na baitang! Napakataas nito kaya ang ibig sabihin ng bahagi ng pangalan nito ay bundok. Isipin ninyo na kailangan ninyong akyatin ang hagdang iyon para makauwi!
Maraming Tsokolate!
Kilala ang Belgium sa tsokolate nito. Humigit-kumulang 200,000 tonelada ng tsokolate ang ginagawa roon bawat taon. Ganyan din ang bigat ng mga 100,000 kotse!
Mga larawang-guhit ni Chrisanne Serafin