Kaibigan
Ngumiti nang Taos-Puso
Hunyo 2024


“Ngumiti nang Taos-Puso,” Kaibigan, Hunyo 2024, 32–33.

Kaibigan sa Kaibigan

Ngumiti nang Taos-Puso

Mula sa Facebook, Nob. 15, 2022, facebook.com/Primary1stCounselor.

Larawan
Traffic light na may ilaw na hugis-puso

Minsa’y binisita ko ang isang kaakit-akit na bayan sa Iceland. Kaagad, napansin ko na hugis-puso ang mga traffic light! Nagtanong ako tungkol doon at nalaman ko ang kuwento.

Ilang taon na ang nakararaan, naghirap ang mga tao sa Iceland. Nagpasiya ang bayan na gumawa ng isang bagay para tulungan ang mga tao na sumayang muli. Tinawag nila ang proyektong ito na “Ngumiti nang Taos-Puso.” Binago nila ang mga traffic light at hiniling sa mga tao na magsabit ng mga puso sa bintana. Nakatulong ang mga puso na maalala ng lahat na mahalin ang iba at magkaroon ng pag-asa.

Sinabi sa akin ng isang tao na ang proyekto ay para maipaalala sa kanila na maging mabait sa isa’t isa. Sinabi rin nila na nakatulong ito sa kanila na tumigil at pag-isipan kung ano ang pinakamahalaga sa buhay.

Ipinakita nito sa akin na walang pagpapakita ng kabaitan na napakaliit. Ang isang bagay na kasing-simple ng hugis-pusong traffic light ay magpapaalala sa isang tao na mahalaga siya, magbibigay ng pag-asa sa kanya, at tutulungan siyang makaraos sa isa pang araw.

Dalangin ko na makahanap tayo ng mga paraan para maibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa mga nasa paligid natin. Sapagkat “sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay” (Alma 37:6).

Mga Heart String

Gawin ang pusong ito at isabit ito para maipaalala sa iyo na mahalin ang iba.

  1. Bakatin ang puso sa isang paper plate o makapal na papel. Gumamit ng pintura o mga marker para kulayan ang paper plate kung gusto mo.

  2. Maingat na gupitin ang puso. Tip: Butasan sa gitna ang puso para kumasya sa gunting mo.

  3. Gumamit ng pambutas o lapis para butasan sa paligid ang puso.

  4. Gumupit ang isang mahabang pisi o tali at ibuhol sa dulo. Itulak ang pisi sa isa sa mga butas. Maaari mong iteyp ang buhol sa likod ng paper plate para mapanatili ito sa lugar.

  5. Ngayon ay “itahi” ang pisi ang isa pang butas na katapat ng kung saan ka nagsimula. Patuloy itong gawin hanggang sa matahian mo ang lahat ng butas sa paligid ng puso.

  6. Ilagay ang isang huling butas sa itaas ng bilog. Magdagdag ng isang loop ng tali para maisabit mo ang iyong puso!

Larawan
PDF ng aktibidad na nagpapakita ng mga hakbang sa paggawa ng paper-plate craft

Mga larawang-guhit ni Tim Bradford; craft ni Anna Oldroyd

Print