“Ano ang Patotoo?” Kaibigan, Hunyo 2024, 46–47.
Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo
Ano ang Patotoo?
Ang patotoo ay ang nalalaman o pinaniniwalaan mong totoo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Kapag nagdarasal tayo o nagbabasa ng mga banal na kasulatan, binibigyan tayo ng Espiritu Santo ng magandang pakiramdam para tulungan tayong malaman kung ano ang totoo.
Ang isang patotoo ay lumalago nang paunti-unti. Tulad ng halamang lumalago sa tubig at sikat ng araw, lumalago ang patotoo kapag sinusunod mo si Jesus at minamahal ang iba.
Kapag ibinabahagi mo ang iyong patotoo sa iba, mas lumalakas din ang iyong patotoo!