Kaibigan
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 2024


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Hunyo 2024, 28–29.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Mayo 27–Hunyo 2

Pagkukulay tungkol sa Kabutihan ng Diyos

Para sa Mosias 25–28

Batang lalaking nakaupo sa tabi ng matandang babae at nagsusulat

Binasahan ni Haring Mosias ang kanyang mga tao ng mga kuwento kung paano napagpala ng Diyos ang mga tao ni Alma. Nang marinig nila ang mga kuwento, naisip nila ang “kagyat na kabutihan ng Diyos” (Mosias 25:10). Itanong sa inyong mga magulang at lolo’t lola kung paano naging mabuti ang Diyos sa inyong pamilya. Idrowing ang mga paboritong kuwentong maririnig ninyo.

Hunyo 3–9

Bookmark ng Binyag

Para sa Mosias 29Alma 4

Bookmark na may nakadrowing na batang binibinyagan

Maraming taong bininyagan si Alma. Nang mabinyagan sila, sumapi sila sa Simbahan ng Diyos (Alma 4:5). Gumawa ng bookmark ng binyag! Gupitin ang isang maliit na parihabang papel. Drowingan ito ng isang taong binibinyagan sa isang panig. Sa kabilang panig, isulat ang makikita ninyong mga talata sa banal na kasulatan na nagtuturo tungkol sa binyag. Gamitin ang inyong bookmark ng binyag sa pagbabasa ninyo ng mga banal na kasulatan.

Hunyo 10–16

Shepherd Tag

Para sa Alma 5–7

Mga batang tumatakbo

Si Jesucristo ang Mabuting Pastol, at nais Niyang lumapit tayo sa Kanya (tingnan sa Alma 5:38). Maglaro ng shepherd tag! Ang taong “taya” ang siyang pastol na nagtitipon sa mga tupa. Kapag nataya ng pastol ang isang tao, susundan nito ang pastol. Kapag nataya na ang lahat, maglaro ulit na may kasamang bagong pastol!

Hunyo 17–23

Mabilis na Pag-awit

Para sa Alma 8–12

Mga batang kumakanta

Nang sabihan ng isang anghel si Alma na turuan ang mga tao, “mabilis” na sumunod si Alma (Alma 8:18). Pag-usapan kung paano ninyo masusunod ang mga utos ng Diyos. pagkatapos ay awitin ang “Piliin ang Tamang Landas” (Aklat ng mga Awit Pambata, 82). Sa unang pagkakataon, kantahin nang dahan-dahan ang awitin. Pagkatapos ay kantahin itong muli, nang pabilis nang pabilis. Gaano kabilis ninyo ito kayang kantahin?

Hunyo 24–30

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Para sa Alma 13–16

Mga batang sama-samang nagbabasa

Itinuro nina Alma at Amulek sa mga tao na umasa kay Jesucristo at magsisi (Alma 13:16). Basahin ang kuwento sa pahina 26 para malaman ang iba pa tungkol kina Alma at Amulek. Paano sila tinulungan ng Diyos? Paano Niya kayo tinutulungan?

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill