“Sinu-sino ang mga Anak ni Mosias?” Kaibigan, Hunyo 2024, 24–25.
Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon
Sinu-sino ang mga Anak ni Mosias?
Si Mosias ay isang propeta ng Diyos at isang matwid na hari. Ang kanyang mga anak ay sina Ammon, Aaron, Omner, at Himni. Noong bata pa sila, inakay nila ang mga tao palayo sa Simbahan ni Jesucristo.
Binisita sila ng isang anghel. Sinabihan sila nito na magsisi. Nagsisi ang mga anak ni Mosias at nagpasiyang sundin ang Tagapagligtas. Nagmisyon silang lahat at nagturo sa iba tungkol kay Jesucristo.
Itinuro nila sa mga Lamanita ang ebanghelyo. Nakinig at nabinyagan ang ilan sa mga tao. Ang ilan naman ay hindi nakinig. Pero hindi sumuko ang mga anak ni Mosias. Tinulungan sila ng Diyos.
Hamon sa Banal na Kasulatan
-
Sino ang nagsugo ng anghel na nagpakita sa Nakababatang Alma? (Mosias 27:15)
-
Sino ang nagpakita kay Amulek at nagsabi sa kanya na pakainin si Alma? (Alma 10:7)
-
Matapos gumaling si Zisrom, ano ang ginawa niya? (Alma 15:12)
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Unang Linggo: Mosias 26:22
-
Pangalawang Linggo: Mosias 29:43
-
Pangatlong Linggo: Alma 5:48
-
Pang-apat na Linggo: Alma 12:33–34
-
Panglimang Linggo: Alma 13:28–29