“Pinalaya ng Diyos sina Alma at Amulek,” Kaibigan, Hunyo 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pinalaya ng Diyos sina Alma at Amulek
Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley
Nagpunta sina Alma at Amulek sa isang lungsod na tinatawag na Ammonihas. Tinuruan nila ang mga tao tungkol kay Jesucristo. Pero nagalit ang mga tao sa itinuro nila. Ibinilanggo nila sina Alma at Amulek.
Sinaktan ng mga tao sina Alma at Amulek. Maraming araw silang nakabilanggo.
Nagdasal sina Alma at Amulek at humingi ng lakas. Nanampalataya sila sa Diyos. Binigyan Niya sila ng kapangyarihang kalagin ang lubid sa kanilang mga pulsuhan.
Pagkatapos ay nayanig ang lupa. Gumuho ang mga pader ng bilangguan! Tinulungan ng Diyos na makalaya sina Alma at Amulek. Nilisan nila ang Ammonihas para turuan ang iba pang mga tao tungkol kay Jesucristo.