“Makapaglilingkod Ako sa Simbahan,” Kaibigan, Hunyo 2024, 12.
Humayo at Gawin
Makapaglilingkod Ako sa Simbahan
Tulad ni Nephi, maaari kang humayo at gawin ang iniuutos ng Panginoon. (Tingnan sa 1 Nephi 3:7.)
Maraming paraan para matuto at matulungan ang iba sa simbahan. Subukan ang isa o dalawa sa mga ideyang nasa ibaba.
-
Makinig sa musika at kantahin ang mga awitin kasama ang mga nasa paligid mo.
-
Mag-hello sa isang taong bago sa lugar.
-
Umupo nang mapitagan sa Primary.
-
Tumulong sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan sa klase.
Binubuksan ko ang pinto para sa mga taong nagsisimba. Pinasasaya ako nito. Ginagawa ko ito dahil iyan ang gagawin ni Jesus.
Ruben G., edad 7, Utah, USA
Larawang-guhit ni Corey Egbert