Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Belgium
Hunyo 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Belgium,” Kaibigan, Hunyo 2024, 6–7.

Pagsunod kay Jesus sa Belgium

Kilalanin sina Eloïse at Maëline!

Paano Sinusunod nina Eloïse at Maëline si Jesus

Larawan
Magkapatid na magkahawak-kamay

Sinusunod ni Eloïse si Jesucristo sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kapanatagan. Kamakailan, namatay ang lolo nila. Lungkot na lungkot siya. Pero nakatulong sa kanya ang pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan, kapamilya, at Ama sa Langit para hindi niya gaanong madama na nag-iisa siya. “Alam ko na kung gusto kong makipag-usap sa Ama sa Langit, maaari akong manalangin at maririnig Niya ako,” sabi niya.

Sinusunod ni Maëline ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang patotoo sa mga kaibigan niya. Noong pinag-aaralan ng kanyang pamilya ang mga banal na kasulatan, nalaman niya kung paano nadama ni Jesucristo ang lahat ng sakit mula sa bawat tao habang Siya ay nasa Getsemani. Gusto niyang ibahagi sa kaibigan niya ang kanyang patotoo tungkol sa Kanya. “Sinabi ko sa kaibigan ko na kapag nasasaktan siya, matutulungan siya ni Jesus,” sabi ni Maëline.

Larawan
Magkapatid na nasa kusina

Tungkol kina Eloïse at Maëline

Larawan
Magkapatid na nakangiti

Edad: 10 at 7

Mula sa: Hainaut, Belgium

Mga Wika: French at Dutch

Mithiin: Gusto ni Eloïse na maging babysitter. Gusto ni Maëline na maging mang-aawit at mas humusay sa pagdodrowing.

Mga Libangan: Mahilig si Eloïse sa sports at tumatakbo kasama ang kanyang ina. Mahilig si Maëline sa pagdodrowing, pagsayaw, pagkanta, pagluluto, at paghalik at pagyakap.

Pamilya: Eloïse, Maëline, Inay, Itay, at isang kapatid na lalaki.

Mga Paborito Nila

Kuwento sa Banal na Kasulatan: Ang paboritong talata ni Eloïse sa banal na kasulatan ay ang Moroni 10:5 tungkol sa Espiritu Santo. Gusto ni Maëline ang kuwento tungkol kay Moises noong sanggol pa ito (tingnan sa Exodo 1–2)

Mga Tradisyon ng Pamilya: Mahilig manood ng sine si Eloïse kasama ng kanyang pamilya. At gusto si Maëline na bumisita sa France kasama ng kanyang pamilya taun-taon.

Prutas: Ang paboritong prutas ni Eloïse ay saging. Mahilig si Maëline sa strawberries, mansanas, raspberries, milon, blueberries.

Mga kulay: Ang mga paboritong kulay ni Eloïse ay purple at blue. Ang paboritong kulay ni Maëline ay pink.

Mga Awitin sa Primary: Ang paboritong awitin ni Eloïse ay “Sa Aking Paglakad, Jesus ang Kasama” (Kaibigan, Pebrero 2020, 27). Ang paboritong awitin ni Maëline ay ang “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99).

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang kuha ni Ashlee Larsen

Print