“Ano ang Pakiramdam sa Loob ng Templo?” Kaibigan, Hunyo 2024, 22.
Mga Temple Card
Ano ang Pakiramdam sa Loob ng Templo?
Sa loob, ang templo ay isang tahimik at payapang lugar. May magagandang painting at lugar na mauupuan sa buong paligid at madarama roon ang Espiritu Santo. May mga silid para sa iba’t ibang bahagi ng pagsamba sa templo, tulad ng isang silid na may bautismuhan at mga silid para mabuklod ang mga pamilya. Nangako ang mga propeta na madarama natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa loob ng Kanyang mga banal na templo.
Hague Netherlands Temple
-
Ito ang unang templo sa Netherlands.
-
Mas mababa ang ilang bahagi ng Netherlands kaysa sa dagat sa paligid ng bansa. Nangangahulugan ito na ang templo ay itinayo nang 3 talampakan (1 m) ang baba sa lebel ng dagat.
-
Itinayo ito sa lungsod ng Zoetermeer, na ibig sabihin ay “sweet lake [matamis na lawa].”
Aba Nigeria Temple
-
Ito ang ikatlong templong itinayo sa Africa.
-
Isang tulay ang itinayo patawid ng Ogbor River para tulungan ang mga tao na makapunta sa templo.
-
Isang araw bago ang paglalaan, nagdiwang ang mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagkanta.