“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Hunyo 2024, 20–21.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
“Panalangin,” Landon L., edad 10, Puebla, Mexico
Talmage H., edad 7, Utah, USA
Samuel G., edad 10, São Paulo, Brazil
Lydia, Oliver, at Jessica B., mga edad 8, 3, at 6, West Yorkshire, England
Claire C., edad 7, Arkansas, USA
Gustung-gusto kong magdasal. Nadarama kong ligtas ako kapag nagdarasal ako. Bago ako nabinyagan, ipinagdasal kong malaman kung si Jesus ay totoo, at ang sagot sa akin ay OO! Nakatulong ang sagot sa akin na malaman na tamang piliin na magpabinyag.
Hayden B., edad 8, Washington, USA
Gustung-gusto kong kumanta sa stake choir. Kapag kumakanta ako kasama nila, pakiramdam ko ay nagtuturo ako ng ebanghelyo sa pamamagitan ng musika.
Damaris G., edad 10, Jalisco, Mexico
Gustung-gusto kong ibahagi ang aking patotoo at hinilingan akong ibahagi ito sa stake conference. Alam kong mahal ako ni Jesucristo!
Ezra C., edad 8, Wyoming, USA
Gusto kong malaman kung may patotoo ako. Tinanong ako ng nanay ko kung naniniwala ako kay Jesus, kung naniniwala ako na si Joseph Smith ay isang propeta, at kung naniniwala ako na ang Simbahan ay totoo. Sumagot ako ng opo! Sabi ng nanay ko, ibig sabihin daw niyan ay mayroon akong patotoo. Lubos akong nagpapasalamat na may sarili akong patotoo.
Matthew G., edad 8, Missouri, USA
Nagsisimba ako at nag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin kasama ang pamilya ko.
Elkan B., edad 9, Nairobi City County, Kenya
Natutunan ko ang tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao sa nanay ko. Ang ibig sabihin ng pag-ibig sa kapwa-tao ay mahalin natin ang isa’t isa. Mayroon akong pag-ibig sa kapwa-tao kapag tinutulungan ko ang mga kaklase ko.
Sophie C., edad 8, Taoyuan District, Taiwan