Kaibigan
Hello mula sa Nicaragua
Hulyo 2024


“Hello mula sa Nicaragua!” Kaibigan, Hulyo 2024, 8–9.

Hello mula sa Nicaragua!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Nicaragua ay isang bansa sa Central America. Halos 7 milyong mga tao ang naninirahan doon!

Tagalog

Pabalat sa wikang Spanish ng magasin na Kaibigan

Ang opisyal na wika ay Spanish. Nagsasalita rin ang ilang tao ng mga katutubong wika tulad ng Miskito, Sumo, at Rama.

Pagpapalaganap ng Ebanghelyo

Larawan ng lugar na pinagtatayuan ng templo at paglalarawan ng mga batang sama-samang nagbabasa

Dumating sa Nicaragua ang mga unang missionary noong 1953. Ngayon ay mahigit 100,000 na ang mga miyembro ng Simbahan doon! Mayroon pang isang templong itinatayo.

Mga Pating sa Lake Nicaragua

Larawan ng Lake Nicaragua at iginuhit na larawan ng pating

Ang mga bull shark ay maaaring mabuhay sa tubig-alat at sa tubig-tabang. Ibig sabihin nito, maaari silang mabuhay sa karagatan, mga ilog, at lawa! Lumalangoy sila mula sa Karagatang Atlantiko at dumaraan sa mahabang ilog para manirahan sa Lake Nicaragua.

Palo de Mayo

Larawan ng pole na ginayakan ng makukulay na laso o ribbon at iginuhit na larawan ng ulap na may dalang ulan

Ang mga tao sa Nicaragua ay may malaking pista na tinatawag na Palo de Mayo pagdating ng panahon ng tag-ulan. Nilalagyan nila ng makukulay na lasong dekorasyon ang isang puno o pole at sasayaw sila paikot dito at magsasaya sa buong buwan.

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Dave Klüg