Kaibigan
Tinuruan ni Aaron ang Hari
Hulyo 2024


“Tinuruan ni Aaron ang Hari,” Liahona, Hulyo 2024, 26–27.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Tinuruan ni Aaron ang Hari

Tinuturuan ni Aaron ang mga tao

Mga paglalarawan ni Andrew Bosley

Nakatayo si Aaron sa harap ng hari

Si Aaron ay isa sa mga anak ni Mosias. Isa siyang missionary noon. Tinuruan niya ang hari ng mga Lamanita sa buong lupain.

Kausap ni Aaron ang hari

Tinanong ni Aaron ang hari kung naniniwala siya sa Diyos. Sinabi ng hari na maniniwala siya kung sasabihin sa kanya ni Aaron na tunay ang Diyos. Hiniling niya kay Aaron na sabihin pa sa kanya ang tungkol sa Diyos.

Nagtuturo si Aaron na ang kalangitan ang background

Binasa ni Aaron ang mga banal na kasulatan sa hari. Itinuro niya ang tungkol sa paglikha ng mundo. Itinuro niya ang tungkol sa plano ng Diyos. Sinabi niya sa hari ang tungkol kay Jesucristo.

Ang hari ng mga Lamanita na nakaluhod

Pagkatapos ay nanalangin ang hari. Tinanong niya ang Diyos kung totoo ang sinabi ni Aaron. Natanggap ng hari ang sagot na ito ay totoo!

Binibinyagan ni Aaron ang mga tao

Naniwala ang hari sa itinuro ni Aaron. Lahat ng tao sa kanyang sambahayan ay naniwala rin. Sila ay bininyagan at pinili nilang sundin si Jesucristo.