Kaibigan
Isang Pakikipag-usap Kay Alan Tungkol sa mga Saligan ng Pananampalataya
Hulyo 2024


“Isang Pakikipag-usap Kay Alan Tungkol sa mga Saligan ng Pananampalataya,” Kaibigan, Hulyo 2024, 40–41.

Isang Pakikipag-usap Kay Alan Tungkol sa mga Saligan ng Pananampalataya

Si Alan ay taga-Málaga, Spain. Tinanong namin siya kung paano niya natutuhan ang Mga Saligan ng Pananampalataya.

Headshot ni Alan

Magkuwento ka sa amin tungkol sa iyong sarili.

Batang lalaki na suot ang lab coat at hawak ang isang beaker
Plato ng Spanish omelet

Ako ay walong taong gulang. Paglaki ko, gusto kong maging bantog na siyentipiko. Ang paborito kong kulay ay orange, at ang paborito kong pagkain ay ang tortillas de patatas (mga Spanish omelet) na ginagawa ng lola ko.

Paano mo natutuhan ang Mga Saligan ng Pananampalataya?

Sinimulan kong pag-aralan ang mga ito sa Primary. Kumanta kami noon ng mga awitin para tulungan kaming maisaulo ang mga ito. Kung minsan isinusulat ito ng aming mga guro sa pisara at binubura ang ilang salita. Nagdrowing din kami ng mga larawan para ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng bawat Saligan ng Pananampalataya.

Nagpraktis din akong bigkasin ang mga ito kasama ang pamilya ko sa kotse papunta sa paaralan. Tinutulungan ko rin ang nakababata kong kapatid na si Maia na matutuhan din ang mga ito. Alam na niya ang unang anim!

Aling Saligan ng Pananampalataya ang paborito mo?

Batang lalaking nakaupo sa desk na may nakabukas na aklat

Gusto ko ang pangsiyam. “Naniniwala kami sa lahat ng ipinahayag ng Diyos, sa lahat ng Kanyang ipinahahayag ngayon, at naniniwala rin kami na maghahayag pa Siya ng maraming dakila at mahahalagang bagay hinggil sa Kaharian ng Diyos.” Itinuturo nito na ang Ama sa Langit ay may marami pang mga bagay na nais Niyang matutuhan natin nang paunti-unti.

Paano nakatulong sa iyo ang kaalaman tungkol sa Mga Saligan ng Pananampalataya?

Isang araw sa paaralan, tinanong ako ng kaibigan kong si Sophia kung ano ang pinaniniwalaan ko at kung kabilang ako sa anumang relihiyon. Naalala ko ang unang Saligan ng Pananampalataya, na nagsasabing, “Naniniwala kami sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, at sa Kanyang Anak, na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo.” Kaya ibinahagi ko iyon sa kanya.

Sinabi ko rin sa kanya na Kristiyano ako at miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nakinig siya sa akin at naunawaan ang ibinahagi ko sa kanya.

Ano ang nadama mo sa karanasang ito?

Napakaganda ng pakiramdam ko dahil alam ko na matapang kong ibinahagi ang aking mga paniniwala sa aking kaibigan. Dahil sa pagsisikap kong matutuhan ang Mga Saligan ng Pananampalataya, nagawa kong ibahagi ang ebanghelyo at malaman kung ano ang sasabihin.

Mga batang nakatayo
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Toby Newsome