Kaibigan
Ako ay Minamahal
Hulyo 2024


“Ako ay Minamahal,” Liahona, Hulyo 2024, 42.

Isinulat Mo

Ako ay Minamahal

Larawan
Batang babaeng nakangiti na may dalang backpack sa harap ng eskuwelahan

Mayroon akong mga problemang medikal na talagang mahirap. Isinilang akong kakaiba, nang walang anumang paraan para magamit ang banyo. Mayroon akong tatlong malalaking operasyon at ilang maliliit na operasyon.

Kung minsan iniisip ko kung bakit ganito ako, pero ang pag-iisip tungkol sa Diyos at sa Kanyang plano ng kaligtasan ay tumutulong sa akin na maalala ko na minamahal din ako tulad ng iba. Kamangha-mangha ang pagkakaroon ng patotoo sa ebanghelyo, at alam ko na maaari akong umasa sa Panginoon.

Mahal na mahal ko ang katawan ko. Alam ko na ako ay tunay na kaloob na liwanag (na siyang kahulugan ng pangalan ko). Kahit nahihirapan ako, alam ko na lagi akong makahihingi ng tulong sa Diyos.

Larawan
PDF ng Kuwento

Larawang-guhit ni Alyssa Johnson