Kaibigan
Sining Tungkol sa Plano ng Kaligayahan
Hulyo 2024


“Sining Tungkol sa Plano ng Kaligayahan,” Kaibigan, Hulyo 2024, 12–13.

Masasayang Bagay

Sining Tungkol sa Plano ng Kaligayahan

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Marina Pessarrodona

Gawin ang sining na ito para matulungan kang ituro ang plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. Mababasa mo ang tungkol sa planong ito sa Alma 18:36, 39 at Alma 22:8–16.

  1. Gupitin ang mga piraso sa tulduk-tuldok na mga linya. Butasan ang bawat puting bilog.

  2. Magtali ng pisi sa mga butas para mapagdugtong ang mga piraso na may kaugnay na mga salita at larawan. Magtali ng isa pang pisi sa butas sa itaas.

  3. Itali ang lahat ng pisi sa isang patpat. Pagkatapos ay isabit ang iyong likhang-sining.

Ang Paglikha. Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng nasa mga ito.

Ang Pagkahulog. Pinili nina Eva at Adan na kumain mula sa punungkahoy ng kaalaman sa mabuti at masama. Ito ang daan para magkaroon sila ng pamilya.

Buhay sa Lupa. Lahat tayo ay isinilang sa mundo para matuto at umunlad.

Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Pumarito si Jesucristo sa lupa. Bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala, nadama Niya ang lahat ng ating pasakit at nagbayad para sa ating mga kasalanan. Siya ay namatay at nabuhay na muli. Dahil sa Kanya, maaari tayong magsisi at muling makapiling ang Ama sa Langit pagkatapos nating mamatay.