Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Nicaragua
Hulyo 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Nicaragua,” Kaibigan, Hulyo 2024, 6–7.

Pagsunod kay Jesus sa Nicaragua

Kilalanin si Felix!

Paano Sinusunod ni Felix si Jesus

Larawan
Mga larawan ni Felix na nakaayos sa mga piraso ng puzzle

Sinusunod ni Felix si Jesus sa pamamagitan ng pagiging masunurin. Siya ay nagdarasal, nagsisikap na sundin ang mga kautusan, at nagsisimba. “Marami akong natututuhan sa Primary,” sabi niya. “Sa Primary, maraming bata at marami tayong natututuhan tungkol kay Jesucristo.”

Gusto ni Felix na nakikipaglaro sa kanyang pinsan. Pero kung minsan ay hindi sila nagkakasundo ng pinsan niya. “Tinutulungan ako ng Ama sa Langit na magkaroon ng pasensiya,” sabi niya.

Tinutulungan din ni Felix ang iba. Sa paaralan, nakita ni Felix na walang meryenda ang isang kaklase. Ibinahagi ni Felix ang kanyang meryenda. Inaalagaan din niya ang kanyang mas batang kapatid na babae. Tinitiyak niya na ligtas ang kapatid niya sa pamamagitan ng pagkain ng maliliit lamang na piraso ng pagkain.

Larawan
Si Felix na nakasuot ng sumbrero at si Felix na tumutugtog ng piyano

Tungkol kay Felix

Larawan
si Felix na nakangiti at may speech bubble na nagsasabing ‘Hola’

Edad: 7

Mula sa: Managua, Nicaragua

Wika: Spanish

Mithiin: 1) Maging astronaut at pumunta sa buwan at siguro sa Mars. 2) Mag-alaga ng mga manok balang-araw.

Mga Libangan: Pag-aaral tungkol sa kalawakan, pagtugtog ng piyano, at pagluluto

Pamilya: Felix, Inay, Itay, at mas batang kapatid na babae

Ang Kanyang mga Paborito

Kuwento sa Aklat ni Mormon: Nang dalawin ni Jesus ang mga lupain ng Amerika at pinagaling ang lahat ng tao (3 Nephi 17)

Holiday: Pasko

Prutas: Mga Strawberry at pakwan

Kulay: Asul

Awitin sa Primary: “I Will Walk with Jesus” (Friend, Peb. 2020, 27).

Larawan
PDF ng Kuwento

Print