“Mga Aktibidad sa Linggo,” Kaibigan, Hulyo 2024, 17.
Masasayang Bagay
Mga Aktibidad sa Linggo
Maghagis ng isang maliit na bagay, tulad ng bean o barya, sa pahina. Pagkatapos ay gawin ang aktibidad na lalapagan nito. Kapag tapos ka na, subukang muli! Magpatuloy hanggang sa makakuha ka ng apat sa isang hilera.
-
Basahin ang isang kuwento mula sa Kaibigan.
-
Maglakad-lakad kayo ng inyong pamilya.
-
Tingnan ang mga larawan ng mga templo.
-
Maglaro kasama ang iyong pamilya.
-
Matuto ng bagong awitin sa Primary.
-
Sulatan ang isang missionary.
-
Maglista ng sampung bagay na pinasasalamatan mo.
-
Magdrowing ng larawan ng iyong pamilya.
-
Magtanong sa isang magulang tungkol sa isang kuwento ng pamilya.
-
Tawagan ang isang kapamilyang nakatira sa malayo.
-
Magbasa ng mga banal na kasulatan sa labas ng bahay.
-
Sumulat ng pasasalamat sa isang tao.
-
Magtayo ng templo gamit ang mga block o patpat.
-
Isadula ang isang kuwento sa banal na kasulatan.
-
Bisitahin ang isang taong malungkot o nangangailangan ng tulong.
-
Magluto ng pagkain at dalhin ito sa inyong mga kapitbahay.
-
Panoorin ang isang video ng banal na kasulatan sa ChurchofJesusChrist.org.
-
Kumanta ng isang himno o awitin sa Primary.
-
Gumawa ng magandang bagay para sa isang kapamilya.
-
Gumawa ng isang pahina ng aktibidad sa Kaibigan.
-
Isulat ang iyong patotoo.
-
Tulungan ang inyong pamilya na magluto ng pagkain o meryenda.
-
Kulayan ang isang larawan o gumawa ng maikling sulat para sa isang guro sa Primary.
-
Isaulo ang isang Saligan ng Pananampalataya.
-
Gumawa ng collage ng mga larawan mula sa Kaibigan.