“Pagbabahagi ng Pinaniniwalaan Mo,” Kaibigan, Hulyo 2024, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Pagbabahagi ng Pinaniniwalaan Mo
Hango sa “Anak at Disipulo,” Liahona, Mayo 2003, 29–32.
Scientist noon ang tatay ko. Minsan ay nabasa ko ang isang mensaheng ibinigay niya sa isang malaking grupo. Dito, nagsalita siya tungkol sa Paglikha at sa isang Lumikha habang nagsasalita siya tungkol sa siyensya. Alam ko noon na iilan lang sa grupo ang katulad niya ang pananampalataya. Kaya sinabi ko sa kanya nang may pagtataka, “Itay, ibinahagi mo po ang iyong patotoo.”
Tiningnan niya ako nang may pagkagulat at sinabing, “Ginawa ko ba ‘yun?” Ni hindi niya alam na naging matapang siya. Sinabi lang niya ang alam niyang totoo.
Lahat tayo na nabinyagan ay nangakong ibabahagi ang ebanghelyo. Maaari tayong manalangin nang may pananampalataya para madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin at sa lahat ng nakikilala natin. Masasabik kayo sa Simbahan ng Panginoon at sa Kanyang gawain, at makikita ito sa atin. Ang pagsasalita tungkol sa pinaniniwalaan mo ay magiging bahagi ng kung sino ka.
Mga Simpleng Paraan ng Pagbabahagi
Maibabahagi mo ang ebanghelyo sa maraming paraan. Isulat kung ano ang maaari mong sabihin sa bawat tao para maibahagi ang pinaniniwalaan mo. Ang una ay ginawa na para sa iyo.
Kumusta ang weekend mo?
Magaling! Nagsimba ako.
Maraming tao ang magkakaiba ang paniniwala sa relihiyon. Ano ang pinaniniwalaan mo?
Maysakit ang papi ko. Puwede mo ba siyang ipagdasal?
Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent