“Ano ang Sabbath?” Kaibigan, Hulyo 2024, 46–47.
Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo
Ano ang Sabbath?
Ang Sabbath ay isa pang pangalan o tawag sa Araw ng Linggo. Ito ay banal na araw para magtuon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Sa Sabbath, tinatanggap natin ang sakramento upang alalahanin si Jesus.
Natututuhan natin ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa tahanan at sa simbahan.
Nasisiyahan tayo sa oras na kasama ang ating pamilya at naglilingkod sa iba.
Masaya ang Ama sa Langit kapag iginagalang natin ang araw ng Sabbath.