“Sino si Abis?” Kaibigan, Hulyo 2024, 24–25.
Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon
Sino si Abis?
Si Abis ay isang Lamanita. Nagtrabaho siya para sa reyna at hari.
Isang araw, nakita ni Abis ang pagtuturo sa kanila ni Ammon tungkol kay Jesucristo. Lahat ng nakinig ay nadama nang napakalakas ang Espiritu kaya bumagsak sila sa lupa.
Naniniwala na noon pa man si Abis kay Jesucristo. Alam niya na ang kapangyarihan ng Diyos ang dahilan ng pagbagsak ng iba sa lupa.
Tumakbo siya palabas at sinabi sa mga tao na masdan ang himala na nangyari sa hari at reyna.
Tinulungan niya ang reyna na tumayo.
Ibinahagi ng hari at reyna ang kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo sa iba. (Tingnan sa Alma 19:16–17, 28–31.)
Hamon sa Banal na Kasulatan
-
Sino ang nagturo kay Haring Lamoni tungkol sa Diyos? (Alma 18:26–28)
-
Anong bagong pangalan ang itinawag ng mga Lamanita sa kanilang sarili matapos sundin si Jesucristo? (Alma 23:11)
-
Ano ang ibinaon ng mga tao sa Alma 24:19?
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Unang Linggo: Alma 19:35–36
-
Pangalawang Linggo: Alma 26:12
-
Pangatlong Linggo: Alma 31:38
-
Pang-apat na Linggo: Alma 33:4–11
Mga paglalarawan ni Bryan Beach