“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Hulyo 2024, 20–21.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Nalaman ng mga bata sa Pedro Domingo Murillo Province, Bolivia, ang kahalagahan ng paghahanda para sa templo. Gumawa sila ng mga drowing at model ng iniisip nilang magiging hitsura ng templo sa La Paz Bolivia.
Lily M., edad 10, Arizona, USA
“Ibinabaon ni Moroni ang mga Laminang Ginto,” Arthur S., edad 6, Alaska, USA
“Ang Bahay ng Panginoon,” Audrey B., edad 9, Alberta, Canada
“Ang Baluti ng Diyos,” Ethan M., edad 10, Virginia, USA
“Binyag,” Quinn S., edad 8, Colorado, USA
“Ang Halamanan ng Eden,” Abigail B., edad 10, Kansas, USA
Nadama ko ang Espiritu Santo nang makinig ako sa isang mensahe sa simbahan.
Serfina K., edad 9, Mwanza Region, Tanzania
Naglakbay ang aking mga ninuno papunta sa Utah kasama ang isang handcart company. Gumawa ako ng kariton para alalahanin ang mabubuting bagay na ginawa nila.
Maddie J., edad 9, Utah, USA
Marami kaming aklat sa bahay namin, pero ang aklat na pinakamadalas naming binabasa ay ang Aklat ni Mormon. Natutuhan ko mula sa tatay ko na tuwing babasahin mo ang Aklat ni Mormon, mayroon kang bagong matututuhan.
Louie C., edad 10, Taoyuan District, Taiwan
Hindi ko mahanap ang sapatos ko at nagdasal ako para humingi ng tulong. Akala ko darating kaagad ang sagot, pero hindi. Nadismaya ako, kaya dinampot ko ang isang kamiseta sa sahig at inihagis ito. Natatakpan pala ng kamiseta ko ang sapatos ko! Hindi sinagot ang aking panalangin sa paraang inasahan ko, pero alam kong narinig ang panalangin ko.
Cosette K., edad 10, Queensland, Australia
Nagtanim ako ng mga bulaklak para sa isang sister sa aming lugar at pinakain ang kanyang kuting. Masaya akong maglingkod tulad ng ginawa ni Jesus.
Matias V., edad 8, Santiago Metropolitan Region, Chile