“Ano ang mga Paglalaan o Dedikasyon ng Templo?” Kaibigan, Hulyo 2024, 22.
Mga Temple Card
Ano ang mga Paglalaan o Dedikasyon ng Templo?
Kapag natapos na ang isang bagong templo, ang propeta o apostol ay nagbibigay ng mahalagang panalangin para ilaan, o pagpalain, ang templo. Ang panalanging ito ang nagtatalaga sa templo upang maging banal na lugar kung saan magagawa natin ang gawain ng Diyos. Nangako ang mga propeta na daan-daang mga templo ang ilalaan sa Panginoon.
Managua Nicaragua Temple
-
Ito ang magiging unang templo sa Nicaragua.
-
Noong 2012 bumisita si Elder Russell M. Nelson sa Nicaragua at hinikayat ang mga tao na maghanda para sa isang templo. Sabi niya, “Ipinapangako ko sa inyo na kapag handa kayo, gagawin ng Panginoon ang Kanyang bahagi para magkaroon kayo ng templo” (tingnan sa Liahona, Hunyo 2012, 77).
Singapore Temple
-
Ito ang magiging unang templo sa Republic of Singapore.
-
Noong 2000, inanyayahan ng propeta ang mga miyembro ng Simbahan sa Singapore na maghanda para sa templo.
-
Hanggang sa matapos ito, kailangang maglakbay ang mga miyembro papunta sa Pilipinas para makadalo sa templo.