Kaibigan
Ang Galak sa Pag-aaral
Hulyo 2024


“Ang Galak sa Pag-aaral,” Kaibigan, Hulyo 2024, 32–33.

Kaibigan sa Kaibigan

Ang Galak sa Pag-aaral

Mula sa pag-iinterbyu nina Olivia Kitterman at Noelle Lambert Barrus.

Hindi ko nadama na mahusay akong mag-aral noong lumalaki ako. Lahat ng mga kapatid ko ay talagang matatalino. Matataas ang grado nila. Pinakamahihirap na klase ang kinuha nila. Patuloy akong nagsikap para sa pinakamahihirap na klase, pero hindi ako kailanman tinanggap. Napakahirap ng Math. Kaya naisip ko, “Siguro hindi ako matalino.” Hindi ko naisip na maaaring magbago iyon.

Pagkatapos, may isang taon na nagkaroon ako ng isang guro na nagbigay sa akin ng tiwala sa sarili na kailangan ko. Nakita ng titser ko ang iba pang mga talento ko na hindi ko nakikita. Sabi niya, “Clark, maaari kang maging magaling na estudyante. Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo.”

Kaya’t patuloy akong nagsikap.” Pinagbuti ko ang pag-aaral ko. Nagsikap din akong maging mas organisado. Natutuhan ko kung paano subaybayan ang homework ko. Ang pagpatay sa TV ay nakatulong sa akin na magpokus sa mga gawain ko sa paaralan. Hindi nagtagal, naging mas mabuting estudyante ako. At tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili ko.

Nang magmisyon ako, nakita ko na hindi ko kailangang matutong mag-isa. Humingi ako ng tulong sa Ama sa Langit. At nakinig ako sa Espiritu Santo. Nang magtrabaho ako nang husto, nakapagturo at nakatulong ako sa mga tao. Pag-uwi ko mula sa aking misyon, nag-aral ako sa kolehiyo. Ipinagdasal ko na tulungan ako ng Diyos sa bawat klase. Naging mas magaling na estudyante ako at nagsimula ko pa ngang mahalin ang math!

Akala ko noon ang ibig sabihin ng matalino ay marami kang alam at madali lang sa iyo ang pag-aral. Hindi iyan totoo. Kung handa kang isali ang Panginoon sa iyong pag-aaral at pagsisikap na magpakabuti, ikaw ay matalino!

Kung mahirap ang mga bagay-bagay ngayon, tandaan na ikaw ay anak ng Diyos. Ikaw ay may pambihirang potensyal. Magagawa mo ang mahihirap na bagay. Patuloy ka lang magpraktis. Humingi ng tulong sa Ama sa Langit. Gusto Niyang magtagumpay ka. Kaya mong gawin ito!

Larawan
Batang lalaking nakangiti na gumagawa ng mga gawain sa paaralan

Masayang Pag-aaral

Hanapin ang bawat huwaran ng mga supply ng paaralan sa grid sa ibaba. Ano ang pinakagusto mong natututunan sa paaralan?

Larawan
PDF ng Aktibidad na may mga supply sa paaralan sa grid

Mga paglalarawan ni Agnes Saccani

Print