Kaibigan
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 2024


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Hulyo 2024, 28–29.

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Hulyo 1–7

Sining Tungkol sa Plano ng Kaligayahan

Para sa Alma 17–22

Mga kamay ng bata na may ginupit na mga hugis sa papel

Kapwa nagturo sina Aaron at Ammon tungkol sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. Tinawag nila itong plano ng pagtubos (tingnan sa Alma 18:36–39 at Alma 22). Buklatin sa pahina 12 para makagawa ng sarili mong sining tungkol sa plano ng kaligayahan.

Hulyo 8–14

Mga Kasangkapan sa mga Kamay ng Diyos

Para sa Alma 23–29

Mga batang gumagawa ng mga instrumentong gawang-bahay

Sinabi ni Ammon sa kanyang mga kapatid, “Tayo ay naging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang maisagawa ang dakilang gawaing ito” (Alma 26:3). Magtipon ng mga bagay na magagamit mo para makagawa ng musika. Pagkatapos ay bumuo ng mga beat o ritmo at awitin. Tulad ng paggamit natin ng mga kasangkapan sa pagbuo ng musika, magagamit tayo ng Diyos para makatulong sa pagtatayo ng Simbahan ni Jesucristo.

Hulyo 15–21

Paalala sa mga Musical Chair

Para sa Alma 30–31

Mga batang naglalakad sa paligid ng mga silya

Itinuro ni Alma na “lahat ng bagay ay nagpapatunay na may Diyos” (Alma 30:44). Ibig sabihin ay maipapaalala sa atin ng lahat ng nilikha ng Diyos ang tungkol sa Kanya. Maglagay ng mga upuan sa isang bilog na may sapat na upuan para sa lahat maliban sa isang tao. Sabihin sa isang tao na magpatugtog ng musika at piliin kung kailan ito ihihinto. Kapag tumigil ang musika, lahat ay uupo sa silya. Ang taong walang upuan ay magsasabi ng isang bagay na nagpapaalala sa kanila sa Diyos. Magpatuloy hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang lahat.

Hulyo 22–28

Pagpapalago ng Iyong Patotoo

Para sa Alma 32–35

Batang nagdodrowing

Itinuro ni Alma na kapag nakikinig ka sa salita ng Diyos at gumagawa ng mga bagay para ipakita ang iyong pananampalataya, lalago ang iyong patotoo, tulad ng isang puno (tingnan sa Alma 32:37). Magdrowing ng mga bagay na magagawa mo para matulungang lumago ang isang puno, tulad ng pagdidilig sa puno at pagtapat nito sa sikat ng araw. Pagkatapos ay magdrowing ng mga bagay na magagawa mo para matulungang lumago ang iyong patotoo, tulad ng pagsisimba at pagdarasal.

PDF ng Kuwento

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill