2023
Ang Sagot ay Laging si Jesucristo
Mayo 2023


Ang Sagot ay Laging si Jesucristo

Mga Sipi

Larawan
wallpaper

I-download ang wallpaper

Isang linggo mula ngayon ay Linggo ng Pagkabuhay. Ito ang pinakamahalagang pagdiriwang na ukol sa relihiyon para sa mga [alagad] ni Jesucristo. Ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagdiriwang natin ang Pasko ay dahil sa Pasko ng Pagkabuhay. …

… Dahil kay Jesucristo, maaari tayong magsisi at mapatawad sa ating mga kasalanan. Dahil sa Kanya, ang bawat isa sa atin ay mabubuhay na muli. …

… Nagsusumamo ako sa inyo na lumapit sa Kanya upang mapagaling Niya kayo! Pagagalingin Niya kayo mula sa kasalanan kung magsisisi kayo. Pagagalingin Niya kayo mula sa kalungkutan at takot. Pagagalingin Niya kayo mula sa mga sugat ng mundong ito.

Anuman ang mga tanong o problema ninyo, ang sagot ay laging matatagpuan sa buhay at mga turo ni Jesucristo. Pag-aralan pa ang tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala, Kanyang pagmamahal, Kanyang awa, Kanyang doktrina, at Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo ng pagpapagaling at pag-unlad. Bumaling sa Kanya! Sumunod sa Kanya!

Si Jesucristo ang dahilan kung bakit tayo nagtatayo ng mga templo. Ang bawat isa sa mga ito ay Kanyang banal na bahay. Ang paggawa ng mga tipan at pagtanggap ng kinakailangang mga ordenansa sa templo, gayundin ang paghahangad na mas mapalapit sa Kanya roon, ay magpapala sa inyong buhay sa mga paraang hindi magagawa ng ibang uri ng pagsamba. Dahil dito, ginagawa natin ang lahat sa abot ng ating makakaya upang mas madaling matanggap ng ating mga miyembro sa iba’t ibang dako ng mundo ang mga pagpapala ng templo. …

Mahal kong mga kapatid, pinatototohanan ko na pinamamahalaan ni Jesucristo ang mga gawain ng Kanyang Simbahan. Pinatototohanan ko na ang pagsunod sa Kanya ang tanging paraan tungo sa walang-hanggang kaligayahan.

Print